Isa pang kumpanyang sangkot sa investment scam, kinastigo ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Nagpalabas ang Court of Appeals (CA) ng freeze order sa assets ng Satarah Wellness Marketing.

Kaugnay ito ng sinasabing pagkakasangkot ng nasabing kumpanya sa large-scale investment scam.

Una nang naghain ng petisyon ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG).


Bukod sa Satarah Wellness Marketing, una na ring ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang pag-freeze sa properties ng Kapa religious organization na pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario.

Facebook Comments