
Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga narerekober na labi mula sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), may isa pang labi na nakuha sa isinagawang technical diving operation ngayong araw.
Dahil dito, pumalo na sa 58 ang mga nasawi sa paglubog ng barko habang nananatili sa 293 ang survivors at 21 naman ang patuloy na hinahanap.
Muli namang nilinaw ng Coast Guard na ang naturang bilang ay mula sa pinagsama-samang datos mula sa PNP-SOCO, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Coast Guard District Southwestern Mindanao at mga pamilyang apektado ng trahedya.
Lumubog ang MV Tisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island sa may karagatan ng Basilan noong January 26.
Facebook Comments










