Sa loob lang ng halos dalawang linggo, isa pang grupo ang lumipat sa kampo ni Vice President Leni Robredo para suportahan ang kaniyang kandidatura.
Nagpasya ang Ikaw Muna (IM) Pilipinas Visayas, na itinatag para suportahan ang kandidatura ni Francisco “Isko” Moreno na lumipat kay VP Leni matapos pag-aralan ang kanilang mga opsyon.
Sinabi ni IM Pilipinas Visayas Coordinator Nick Malazarte, ang mababang survey rating ni Mayor Isko ang pangunahing dahilan ng kanilang paglipat kay Robredo.
Sinabi rin ni Malazarte na hindi nila maaaring suportahan ang kandidatura ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil 90 porsiyento ng kanilang mga miyembro ay dating mga aktibista.
Asahan pa raw na susunod na ang pambansang organisasyon ng IM Pilipinas at susuporta na rin kay Robredo.
Bago isinapubliko ang kanilang desisyon, sinabi ni Malazarte na nakipagpulong muna ang IM Pilipinas Visayas sa iba’t ibang pro-Robredo organizations sa Cebu.