Isa pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity, lumutang sa MPD

Manila, Philippines – Lumutang sa Manila Police District (MPD) ang isa pang iniuugnay sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Bandang alas-6 kahapon ng hapon, sumuko si Jason Robiños, Treasurer ng Aegis Juris Fraternity.

Kabilang si Robiños sa mga nasa lookout order na ipinalabas ng Department of Justice (DOJ).


Ayon kay Robiños, nais niyang mapatunayang wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni CASTILLO.

Aniya, nasa ospital siya nang maganap ang hazing dahil sa gastroenteritis.

Facebook Comments