Marawi City – Nabawi na ng Armed Forces of the Philippines ang isang mosque at isang paaralan sa Marawi City na dating pinagtataguan ng ISIS-inspired Maute Group.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, lalong nagpahina sa depensa ng mga terorista ang pagkakabawi ng mga tropa ng pamahalaan sa Bato Mosque at Amaitul Islamiya Marawi Foundation.
Tiwala naman ang AFP na mas maraming gusali pa silang mababawi sa pagpapatuloy ng clearing operations.
Kasabay nito, hinikayat ni Año ang mga natitirang miyembro ng Maute, lalo na ang mga dating bihag na sumanib sa grupo na sumuko na habang may oras pa.
Facebook Comments