Isa pang ospital, nabigyan ng compassionate permit para sa Ivermectin

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na isa pang ospital ang nabigyan ng compassionate special permit para magamit ang anti-parasitic drug na Ivermectin para sa COVID-19 patients.

Sa ngayon, 3 ospital na ang nabigyan ng go sign ng FDA para gamitin ang Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID.

Tumanggi naman si Domingo na pangalanan ang ikatlong ospital dahil sa usapin ng privacy.


Ang mga doktor na magbibigay ng Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID ay obligadong mag-report sa FDA kada-buwan.

Facebook Comments