Isa pang ospital, nabigyan ng compassionate special permit para sa paggamit ng Ivermectin sa COVID patients

Kinumpirma ni Food and Drugs Administration (FDA) Director General Eric Domingo na isa pang private hospital ang nabigyan ng compassionate special permit para magamit ang anti-parasitic drug na Ivermectin para sa COVID-19 patients.

Sa ngayon, dalawang ospital na ang nabigyan ng basbas ng FDA para gamitin ang Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID.

Tumanggi naman si Domingo na pangalanan ang dalawang ospital dahil sa privacy concerns.


Ang mga doktor naman na magbibigay ng Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID ay obligadong mag-report sa FDA kada buwan.

Kinumpirma naman ni Domingo na ang Ivermectin ay ginagamit na rin sa Amerika sa mga pasyenteng may mild hanggang moderate cases ng COVID-19.

Facebook Comments