Isa pang panukala na nagpapaliban sa BSK elections, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ang isa pang panukalang batas na nagsusulong na ipagpaliban ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan o BSK elections sa December 5, 2022.

Sa itinutulak na House Bill 2071 ni Tarlac Rep. Jaime Cojuangco, sa halip na sa Disyembre 5 ngayong taon ay ipinalilipat niya ang halalang pambarangay sa unang Lunes ng Mayo 2023.

Inirerekomenda ng kongresista na ang P8 billion na budget para sa Barangay at SK Elections ay ilaan muna sa mga ayuda at iba pang programa para sa muling pagbangon ng ekonomiya ngayong pandemya.


Bukod dito, maaari ding magamit ang nasabing pondo sa pautang para sa mga maliliit na negosyo at iba pang tulong na maaaring ibigay sa general population.

Ang suhestyon ng mambabatas ay dahil sinimulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kanyang administrasyon na halos lahat ng pondo sa ilalim ng Fiscal Year 2022 National Budget ay na-disburse o nagamit na.

Hindi pa man nagbubukas ang 19th Congress ay umaabot na sa lumang house bills ang inihain para sa isinusulong na pagpapaliban sa Barangay at SK elections.

Facebook Comments