Manila, Philippines – Inihain pa sa Kamara ang isang panukala na tutugon sa disaster response and preparedness tuwing may kalamidad.
Sa House Bill 2001 ni Quezon City Representative Alfred Vargas, isinusulong nito na bumuo ng Department of Disaster Preparedness and Emergency Management o DREAM na kahalintulad din sa itinutulak noong 17th Congress na Department of Disaster Resilience o DDR na nakalusot lamang sa Kamara pero hindi ba umusad sa Senado.
Magsisilbi ang DREAM na independent department na siyang bubuo at magpapatupad ng disaster at climate resilience plans and programs ng pamahalaan.
Ang nasabing ahensya ang magiging in-charge sa lahat ng inter-governmental coordination mula sa paghahanda, implementasyon, monitoring at evaluation ng mga aktibidad at programa na may kaugnayan sa kalamidad.
Layunin ng panukala na mawakasan ang bureaucratic red tape sa mabilis na paghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad dahil sa dami ng mga tanggapan na dapat daanan.
I-a-absorb ng kagawaran ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of the Civil Defense (OCD) at iba pang kaukulang ahensyang may kinalaman sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.