Isa pang panukala para sa extension ng Bayanihan 2, inihain sa Kamara

162

Isinusulong na rin ng ilang kongresista ang pagpapalawig sa validity ng Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act hanggang sa susunod na taon.

Inihain nila AAMBIS-Owa Partylist Rep. Sharon Garin at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ang isa pang panukala kaugnay sa extension ng bisa ng Bayanihan 2.

Sa ilalim ng House Bill 8099 ay pinapalawig hanggang March 27, 2021 o hanggang sa susunod na session adjournment ng Kongreso ang validity o bisa ng Bayanihan 2.


Layon ng panukala na tuloy-tuloy ang paghahatid tulong sa mga Pilipino at matiyak ang pag-ahon ng ekonomiya ng bansa ngayong may COVID-19 pandemic.

Nakasaad sa panukala na batay sa naging report ng Ehekutibo sa Kongreso, nagkaroon ng delay sa pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 para sa mga programa at proyekto na ayuda sana para sa mga apektado ng pandemiya.

Sakop ng extension para sa paglalabas ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ang automatic appropriations sa mga programa at proyekto sa ilalim ng batas at ng 2020 General Appropriations Act, gayundin ang release ng pondo para sa mga COVID-19 response and efforts ng Local Government Units (LGUs), Government Financial Institutions (GFIs), at standby fund.



Facebook Comments