Isa pang pasaring ni Joma Sison kay Pangulong Duterte ayaw nang palakihin ng Malacañang

Manila, Philippines – Ayaw nang Patulan ng Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison na si Pangulong Rodrigo Duterte ang numer 1 drug addict sa bansa.
Matatandaan na sinabi ni Sison na kung meron mang naggungunang adik sa Pilipinas ay si Pangulong Duterte iyon dahil sa sobra nitong paggamit sa kanyang gamot na fentanyl.
Ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary Kris Ablan, karapatan naman ni Sison na magsabi ng kanyang mga saloobin.
Malaya aniya ito na magsalita kahit kontra pa ito o bumabatikos pa ito kay Pangulong Duterte.
Matatandaan na nagsimula ang word war ni Pangulong Duterte at Sison matapos ang mga banat ng Pangulo sa CPP-NPA-NDF sa kanyang State of the Nation Address at mga sumunod nitong public speeches.

Facebook Comments