Isa pang petisyon kontra Anti-Terror Law, inihain sa Korte Suprema

Isa pang petisyon kontra Anti-Terror Law ang inihain sa Korte Suprema bago magsimula kanina ang oral arguments.

Inihain ito ng NUPL o National Union of People’s Lawyers na kumakatawan sa dalawang katutubo na inaresto ng militar noong nakalipas na taon dahil sa mga paglabag sa Anti-Terror Act.

Sa kanilang inihain na petisyon, iginiit ng NUPL na biktima ng naturang batas sina Japer Gurong at Junior Ramos dahil sa paratang na sangkot daw sila sa isang engkuwentro na ikinasawi ng isang sundalo noong nakalipas na taon.


Iginiit ng dalawang katutubong Aeta na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanila.

Partikular ang paratang na terorismo, pagpatay, tangkang pagpatay, ilegal na pag-iingat ng armas at mga pampasabog.

Facebook Comments