Isa pang petisyon kontra Anti-Terrorism Act, isinampa sa Korte Suprema ng mga Human Rights Advocate at mga inidibidwal na pinaghinalaang kasapi ng Abu Sayaf at Maute Group

62

Naghain din ng kanilang petisyon ang grupo ng human rights advocate sa Korte Suprema na humihiling na ipawalang bisa ang ilang probisyon ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa Petition for Certiorari and Prohibition, hiniling ng Philippine Alliance of Human Rights Advocate (PAHRA) at mga abogado ng Ateneo Legal Services Center na mag-isyu ng Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injunction ang Supreme Court para pigilan ang respondents na maipatupad ang ilang probisyon ng Anti-Terrorism Law.


Kabilang na dito ang Section 10, 12 na may kaugnayan sa Section 3, at Section 25, 29, 34 at 36 ng nasabing batas.

Ayon sa grupo, labag at binabalewala ng nabanggit na mga probisyon ang proteksyon sa karapatan ng bawat mamamayan.

Partikular aniya ng mga inosenteng inidibidwal na basta na lamang naaaresto dahil sa hinalang sila ay kasapi o sumusuporta sa mga terorista.

Bukod sa PAHRA at ALSC, kabilang din sa petitoners ay sina Jimmy Bla, Nazr Dilangalen at Main Mohammad na kapwa pinaghinalaang miyembro ng Abu Sayaf na nakakulong ngayon sa Mindanao.



Respondents naman sa petisyon ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na bahagi sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law.


Facebook Comments