Naghain ng panibagong petisyon ang grupong 1Sambayan sa Korte Suprema hinggil sa paglalabas ng confidential at intelligence fund.
Ito’y sa lahat ng sangay ng pamahalaan kung saan ipinadedeklara ng grupo na unconstitutional sa Korte Suprema ang nasabing pondo.
Kabilang sa mga naghain ng petisyon ay sina Atty. Howard Calleja, Fr. Robert Reyes, at Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio.
Hiling ng grupo na dapat ay malaman ng publiko kung saan napupunta ang pondo na ginagastos ng ilang tanggapan ng pamahalaan.
Giit nila na karapatan at dapat na maipaliwanag kung paano nagagastos ang pondo na ang pinanggagalingan ay sa tax ng taumbayan.
Nararapat din ipaliwanag ng bawat departamento o anumang sangay ng gobyerno ang bawat detalye kung anuman ang kanilang pinaggagastusan mula sa confidential at intelligence funds.