Isa pang Pilipino ang posibleng maging Santo matapos na ideklara ni Pope Francis ang pagiging “Venerable” o kagalang-galang nito.
Kinilala ng Santo Papa si Mother Francisca Del Espiritu Santo De Fuentes, Founder ng Dominican Sister of St. Catherine of Siena, dahil sa pamumuhay nito bilang Kristiyano at bayani.
Ayon sa CBCP, kailangang may kilalanin si Pope Francis na milagrong ginawa ni Mother Francisca para sa beatification nito at isa pa ulit himala para naman sa kanyang canonization.
Pumanaw si Mother Francisca noong 1711 at inilibing sa Church of the Collegio De San Juan De Letran.
Facebook Comments