Isa Pang Pinay Na Minaltrato Sa Ksa, Na-Rescue

9

MANILA – Isa pang babaeng ofw sa Najran, Saudi Arabia ang na-rescue ng Filipino community leader.Sa exclusive na panayam ng DZXL RMN kay OFW leader Ronald dela Cruz , sinabi nito na agad silang nagpasaklolo sa Saudi authorities matapos niyang masagip si May Ramos na taga-Bongabon, Nueva Ecija.Sinabi ni dela Cruz na si Ramos ay ikinukulong sa kwarto ng kanyang amo at maghapong hindi pinapakain kaya ito nagpasaklolo sa kanila.Sa ngayon aniya, isinasailalim muna sa medical check-up si Ramos bago ito pauwiin ng Pilipinas.Una nang napauwi ng grupo ni dela Cruz ang isa pang babaeng ofw na tinangkang halayin ng kanyang ama.

Facebook Comments