Isa pang Pinoy, kumpirmadong patay sa pag-atake ng Hamas laban sa Israel

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa pang Pilipino ang nasawi sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas militant group.

Ang ikatlong namatay sa pag atake ay isang 49-year-old na Filipina mula sa Negros Occidental.

Kinumpirma naman ni DFA Usec. Eduardo de Vega na 22 nang mga Pilipino sa Israel ang humihiling na mapauwi ng Pilipinas dahil sa hirap ng kanilang pamumuhay roon.


Habang sa 131 na mga Pinoy sa Gaza, 92 ang nais nang sumailalim sa repatriation.

Gayunman, sa ngayon ay pahirapan pa rin ang paglilikas dahil sarado ang exit points.

Facebook Comments