
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na pauwi na ng Pilipinas bukas, October 10, ang Pinoy seafarer na nasugatan sa Houthi attack sa Red Sea.
Ayon sa DMW, fully recovered na ang sugatang Pinoy crew.
Habang sa mga susunod na linggo ay maiuuwi na rin ang labi ng Pinoy crew na namatay sa naturang pag-atake.
Sa ngayon, nasa Djibouti si DMW Secretary Hans Leo Cacdac kasama ang maybahay at kapatid na babae ng namatay na Pinoy seafarer.
Una nang nakauwi ng Pilipinas ang 10 Pinoy crew na nakaligtas sa pag-atake.
Facebook Comments









