Isa pang puganteng Chinese, ipade-deport ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Isang puganteng Chinese na wanted sa economic crimes sa Beijing, China ang nakatakdang ipadeport ng Bureau of Immigration (BI).

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Jiang Yabo, 36 taong gulang.

Inihahatid ni Jiang ang kanyang mga magulang na patungo ng China nang siya ay arestuhin sa labas ng NAIA Terminal 2.


Kinansela na rin ng gobyerno ng China ang pasaporte ni Jiang.

Nabatid na noon pang October 27, 2016 nang magpalabas ang BI ng summary deportation order laban kay Jiang.

Una na ring pinadeport ng BI ang 73 Chinese fugitives.

Facebook Comments