Isa pang pulis, namatay dahil sa COVID-19

50

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) Health Service ng panibagong pulis na nasawi dahil sa COVID-19.

Sa kanilang ulat, ang nasawi ay 42 anyos na Police Non-Commissioned Officer, lalaki at nakatalaga sa Police Regional Office 12.


Sa ngayon, umaabot na sa 25 na PNP personnel ang namatay sa COVID-19.

Samantala, batay pa sa ulat ng PNP Health Service kahapon, panibagong 24 na PNP personnel ang nagpositibo sa COVID-19 kaya umabot na sa kabuuang 7,758 ang COVID cases sa PNP.

Pero good news dahil kahapon, may 45 PNP personnel na ang gumaling sa COVID-19 kaya sa kabuuan, 7,338 na ang recoveries sa PNP.

Facebook Comments