Isa pang pulis nasawi dahil sa COVID-19

Umabot na sa 115 na police personnel ang nasasawi dahil sa Coronavirus.

Ito ay matapos na ianunsyo ng Philippine National Police (PNP) Health Service na may isa na namang pulis ang namatay dahil sa COVID-19.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ang panibagong nasawi ay 54-anyos na police officer, na nakalatalaga sa Camp Crame.


September 17, nang sumailalim sa RT-PCR test ang pulis, natukoy na positive ito sa COVID-19 kaya na-admit sa Kiangan Quarantine Facility.

September 18, siya ay inilipat sa ospital dahil sa hirap sa paghinga, September 20, siya na intubate.

At nitong September 23, ini-report ng kanyang pamilya na siya ay nasawi na dahil sa cardiac arrhythmia at pneumonia.

Batay sa medical records nito, siya ay diabetic at nakatanggap pa lamang ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si PNP chief sa mga naulila ng nasawing pulis at tiniyak na makakatangap sila ng ayuda.

Facebook Comments