Isa pang pulis nasawi dahil sa COVID-19; Mga nagpositibong pulis sa virus, nadagdagan ng 63

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na namatay dahil sa COVID -19 na ngayon ay umaabot na sa 14.

Sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO), isang 45 ayos na lalaking pulis, na nakatalaga sa PNP Aviation Security Group ang namatay nitong August 12, 2020 matapos na ma-infect ng COVID-19.

Samantala, nadagdagan din ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 3,098.


Sa ulat din ng PNP PIO, kahapon ay may panibagong 63 na mga pulis ang na-infect ng COVID-19.

36 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), walo sa National Operation Support Unit, pito sa National Administrative Support Unit, lima sa PRO CALABARZON, tatlo sa PRO3, dalawa sa National Headquarters at tig-isa sa PRO 4-B at PRO 6.

Pero magandang balita dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 2,258 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 739 na pulis na ikinukonsiderang mga probable case at 2,412 na suspect cases.

Facebook Comments