Isa pang pulis, nasawi sa COVID-19

49

Nadagdagan pa ng isa ang namatay dahil sa COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Task Force Commander Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, isang 34 na taong gulang na police corporal ang nasawi.


Siya ay nakatalaga sa 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company.

Napag-alaman naman na siya ay hindi bakunado at may sakit na ring liver cancer.

Dahil dito, umabot na sa 114 ang nasawi sa COVID-19 sa PNP.

Habang umabot na sa 38,618 ang COVID cases sa PNP matapos maitala ang panibagong 152 sa bilang na ito 2,244 ang active cases.



36, 260 naman ang kabuuang bilang ng mga pulis na gumaling sa COVID-19.

Facebook Comments