Isa pang resolusyon na nagpapaimbestiga sa text scam, inihain sa Kamara

Pinapaimbestigahan din ng Bayan Muna Partylist sa Kamara ang lumalaganap ngayon na “text scam” sa bansa.

Sa inihaing House Bill 2393 ng Bayan Muna, inaatasan nito ang House Committee on Information and Communications Technology na magsagawa ng pagsisiyasat “in aid of legislation” sa mga text spam, na naging talamak ngayong COVID-19 pandemic.

Partikular na pinakikilos sa inihaing resolusyon ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Privacy Commission (NPC) at National Telecommunication Commission (NTC) upang mapigilan ang mga text spam at maprotektahan ang mga karapatan at “privacy” ng publiko.


Pinapapalakas din ang monitoring, “safeguards” at mga regulatory mechanism para mahinto na ang text spams na maaaring magdala ng kapahamakan sa publiko.

Batay sa naunang pahayag ng NPC, isang “organized international o global syndicate” ang nasa likod ng mga nagsusulputang spam text messages na nananamantala sa publiko ngayong pandemya.

Facebook Comments