
Agad na inilikas ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ang ilang mga residente sa Celestino Street sa Brgy. San Jose.
Ito’y matapos na mabilis na tumaas ang tubig dahil nasira ang isa pang pader o river wall ng pribadong kompanya.
Ipinag-utos ni Navotas City mayor John Rey Tiangco ang paglikas upang maging ligtas ang mga residente ng nasabing barangay lalo na’t magsisimula na ang high tide sa naturang lugar.
Nabatid na hanggang sa ngayon ay hindi pa tuluyan natatapos ang pagsasa-ayos sa Tangos-Tanza Navigational Gate kaya’t malaki ang epekto nito sa mga residente.
Pinapayuhan pa ng alkalde ang ibang residente sa Navotas lalo na ang mga nasa tabing-dagat o ilog na lumikas na para sa kani-kanilang kaligtasan.
Facebook Comments









