Isa pang senador, itinutulak din ang pagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling sa bansa

Isinusulong ng isa pang senador ang tuluyang pagbabawal sa online gambling sa bansa.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang lahat ng uri ng online gambling tulad ng casino, e-sabong, digital lotteries, virtual slots, at sports betting.

Mahigpit na ring ipagbabawal ang pag-e-endorso at pag-advertise ng gambling-related content online.

Oras na maisabatas, aatasan ang mga internet service provider na i-block ang mga gambling platform sa loob ng 48 na oras matapos makuha ang kautusan.

Kung hindi susunod ang service provider ay pagmumultahin ito o babawian ng lisensya.

Ang mga kumpanya naman na lalabag ay papatawan ng multa mula ₱500,000 hanggang ₱1,000,000, at hanggang tatlong taong pagkakabilanggo para sa mga may salang opisyal.

Facebook Comments