Isa pang senador, kinumpirmang hindi dadalo sa ceremonial signing ng 2025 national budget

Kinumpirma ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hindi rin siya pupunta sa ceremonial signing para sa pambansang budget ngayong araw, December 30.

Ayon kay dela Rosa, wala namang siyang naunang commitment subalit sa kanyang matibay na paniniwala, hindi siya dadalo sa signing ng pambansang pondo kahit pa pinadalhan siya ng imbitasyon.

Sinabi ng mambabatas na hindi rin siya lumagda sa bicameral report ng 2025 General Appropriations Act kaya “very ironic” o napakataliwas naman aniya kung pupunta siya sa Malakanyang.


Aniya pa, taliwas din kasi sa kanyang prinsipyo ang inaprubahang 2025 national budget.

Umaasa si dela Rosa na mayroong mga adjustment na ginawa ang pangulo sa budget at ikatutuwa niya kung nakinig ang Malakanyang sa taumbayan.

Ilan sa mga kinuwestyon sa budget ay ang mas mataas na pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kumpara sa edukasyon, ang zero subsidy sa PhilHealth, at ang kontrobersyal na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Facebook Comments