Isa pang senador, tutol din sa panukalang alisin ang licensure examinations

Katulad ng ibang senador ay mariin ding tinutulan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na alisin ang licensure exams tulad sa nurse at abogasya.

Paliwanag ni Go, makakaapekto ito sa mga itinakdang standard sa bawat propesyon na kailangang makamit ng mga nagsipagtapos para magamapanan nila ang propesyon na inaral.

Diin ni Go, makakasama ito sa kalidad ng edukasyon at batayan na itinakda para sa bawat propesyon.


Naniwala si Go na hindi rin sang-ayon dito ang karamihan sa mga estudyante na nakapag-bar at nakapag-board exam na.

Bukod kay Go ay nagpahayag na rin ng pagtutol sa nabanggit na suhestyon ang mga senador na sina Sonny Angara, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian at Kiko Pangilinan.

Facebook Comments