Isa pang simbahan sa Maynila, pansamantalang isinara matapos magpositibo sa COVID-19 ang staff nito

Bukod sa Quaipo Church, pansamantalang isinara sa publiko ang Santisima Trinidad Parish sa Malate, Manila.

Ito’y matapos na ang magpositibo ang isang staff nito sa COVID-19.

Ayon sa Parish Priest na si Fr. Jojo Buenafe, kasalukuyan nang naka-confine sa San Juan de Dios Hospital ang naturang staff kung saan maging siya ay sumailalim na rin sa self-quarantine.


Nilinaw ni Fr. Buenafe na wala naman siyang sintomas ng sakit at nakipag-ugnayan na rin siya sa mga opisyal ng Barangay 746 partikular kay Chairman Rolando Tubato para sa pagpapatupad ng health protocols na inilatag ng gobyerno at ng simbahan.

Nagpatulong na rin si Fr. Buenafe sa Ministry on Health Services ng Archdiocese of Manila para sa iba pang serbisyong medikal na kakailanganin.

Wala pa naman kasiguraduhan kung kailan muli magbubukas ang Santisima Trinidad Parish sa publiko pero inihayag nila na maaaring mapanood sa tv o via online ang pagsasagawa ng banal na misa o kaya ay makinig sa ilang istasyon ng mga radyo.

Facebook Comments