Isa pang special commercial flight ng Cebu Pacific ang darating sa bansa sa August 18, 2021.
Sakay nito ang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Dubai, UAE na naipit sa travel ban ng Pilipinas.
Bukas ang nasabing Bayanihan flight sa lahat ng mga Pinoy na nais nang umuwi ng Pilipinas sa gitna ng travel ban.
Sasagutin naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang swab testing ng land-based OFWs bago ang kanilang departure sa Dubai gayundin ang quarantine accommodation pagdating ng Pilipinas.
Habang para sa sea-based OFWs, ang sasagot ng quarantine accomodation ay ang Philippine Port Authority.
Para sa non-OFW o Filipino tourists, sila ang magbabayad ng kanilang RT-PCR test at accommodation sa hotel quarantine facility.
Facebook Comments