Isa pang sundalo na kritikal sa pagbagsak ng C-130 sa Sulu, pumanaw na rin

Umabot na sa 50 ang sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 sa Patikul, Sulu kamakailan matapos na pumanaw na rin ang isa pang sundalo na malubhang nasugatan sa trahedya.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, kaninang madaling araw ay binawian ng buhay si Private Jesfel Mequiabas na miyembro ng Philippine Army.

Nakipag-ugnayan na ang pamunuan ng AFP sa pamilya ni Mequiabas at inihahanda na ring maiuwi ang labi nito sa kanilang lugar.


Samantala sa 50 nasawi sa trahedya, 29 pa lamang ang natukoy na ang identity habang patuloy ang identification process sa ilang labi matapos na masunog ang buong katawan ng mga ito sa bumagsak na C-130 military plane.

Facebook Comments