Isa pang suspek na may pangalang alyas "Kammah", tinutugis na ng otoridad

Isa pang suspek na katunog ng sumukong alyas “Kammah” sa Philippine National Police ang hinahanap ngayon ng mga otoridad.

Matatandaang sinabi kahapon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi ang sumukong alyas “kammah” ang totoong alyas “Kammah” na suspek sa pagpapasabog sa Jolo Cathedral.

Aniya, posibleng kapangalan lang nito ang tunay na suspek.


Hindi naman kasi aniya inamin ng sumukong si Kammah na sangkot siya sa Jolo twin bombing at iginiit na wala siyang partisipasyon dito.

Pero si PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nanindigan na hawak nila ang pangunahing suspek sa Jolo cathedral bombing.

Samantala, tumanggi munang magkomento ukol dito ang Armed Forces of the Philippines.

Sa isang interview sinabi ni AFP WesMinCom Spokesperson Col. Gerry Besana na hinihinatay pa rin nila ang opisyal na report dito ng Western Mindanao Command.

Facebook Comments