Isa pang Suspek na Nakipagbarilan sa Isang Pulis, Nadakip Na!

17

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng kapulisan ang isa pang suspek na si Ronaldo Gomez na umano’y miyembro ng Carnapping group matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City kahapon.

Matatandaan na si Ronald Bautista na kasama ni Ronaldo Gomez ay unang nadakip at dinala sa isang pagamutan matapos makipag barilan kay PO1 Pedro Allam habang ang kasama nito na si Gomez ay agad na nakatakas.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Esem Galiza, ang *Police* Community *Relations Officer* ng PNP Cauayan City, nadakip rin agad si Gomez matapos magsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan laban kay Gomez kahapon.

Sa ngayon ay nahaharap sa patong-patong na kaso ang dalawang suspek gaya ng Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, Direct Assault at Carnapping.

Facebook Comments