Isa pang suspek sa brutal na pagpatay kay Christine Silawan, nasa kustodiya na ng pulisya

Hawak na ng pulisya ang isa pang suspek sa pagpatay sa dalagitang si Christine Lee Silawan, na binalatan pa ang mukha sa Lapu-Lapu, Cebu noong Marso 11.

Ayon kay Police Colonel Llemuel Obon, hepe ng Lapu-Lapu City Police, nakikipag-ugnayan pa sila sa Special Investigation Task Group (SITG) ng Silawan Case bago ilabas ang pagkakakilanlan at partisipasyon sa krimen ng suspek.

Matatandaan na nakita ang bangkay ni Silawan sa bakanteng lote na may mga saksak sa katawan, walang lalamunan at dila at binalatan ang mukha.


Nananatili naman sa kustodiya ng Lapu-Lapu City Social Welfare and Development ang isa pang suspek na una nang naaresto sa pagpatay kay Silawan.

Facebook Comments