Isa pang suspek sa gang rape sa Tondo, Maynila, arestado!

Manila, Philippines – Naaresto sa follow-up operation ang ikaapat na suspek sa panggagahasa sa isang 16-anyos na dalagita sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si John Michael Carmelo, 19-anyos, na sinasabing pinakahuli sa tatlong nanggahasa sa biktima.

Ayon sa pulisya, modus ng grupo ang makipagkaibigan sa babae, ayain itong makipag-inuman, lagyan ng valium ang inumin nito saka gagawin ang panggagahasa.


Lumalabas din sa imbestigasyon na vinideohan pa ng mga lalaki ang ginawang pag-gang rape sa 16-anyos na dalagita.

Patuloy namang pinaghahanap ang dalawang iba pang kasamahan ng mga suspek.

Facebook Comments