Isa Pang Suspek Sa Pagpatay Sa Brodkaster At Environmentalist Na Si Doc. Gerry Ortega, Hinatulan Ng Habangbuhay Na Pagka

5

MANILA – Hinatulan ng Palawan Regional Trial Court Branch 52 ang isa pang akusado sa kaso ng pagpatay sa Environmentalist at Broadcaster na si Gerardo “Gerry” Ortega noong 2011.Ayon kay Palawan Provincial Prosecutor Allen Ross Rodriguez – nahatulang “guilty beyond reasonable doubt” si Arturo “Nonoy” Regalado, at sinintensyahan ng hanggang sa 40 taong pagkabilanggo.Si Regalado ay dating staff ni dating Palawan Governor Joel Reyes at naging empleyado rin sa kapitolyo noong nanunungkulan pa si Reyes.Bukod kay Reyes, akusado rin ang kaniyang kapatid na si Mario sa pagpatay kay Ortega, pero pareho nilang itinanggi ang kanilang pagkakasangkot dito.Ikalawa Na Si Regalado Sa Nahatulang Akusado Dahil Una Nang Nahatulan Ang Gunman Na Si Marlon Recamata Noon Pang 2013.

Facebook Comments