Isa pang suspek sa pagpatay sa isang lalaki na natagpuan sa isang condo sa Cubao sa Quezon City, naaresto na ng mga awtoridad sa Bulacan

Nahuli na ang isa pa sa suspek sa pagpatay sa isang lalaking natagpuan sa isang condo sa Quezon City.

Sa inilabas na report ng Quezon City Police District, kinilala ang suspek na si alyas Michael 30 years old na nahuli sa Bulacan.

Batay sa imbestigasyon, ikinanta nang unang naarestong si alyas James ang kanyang kasabwat na si “Michael,” na nagtatago umano sa R Travelers Inn, San Roque Road, San Rafael, Bulacan.

Agad naman nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at dito na nahuli ang suspek ng Police Regional Office 3.

Narekober sa suspek ang ninakaw na motor sa biktima na Yamaha sniper na ginamit sa pagtakas nito sa krimen.

Napagalaman na si alyas “Michael” ay may dati nang kasong paglabag saf R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) and R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) in October 2022.

Samantala, mahaharap din ang suspek sa kasong Robbery with Homicide and violation of Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016), habang ang isa pa na si alyas Anthony na nagtangkang harangin ang operasyon ” ay haharap naman sa kasong Obstruction of Justice.

Samantala, patuloy pa rin ang man-hunt operation sa iba pang nasa likod ng pagpatay.

Facebook Comments