Isa Pang Suspek Sa Tangkang Pagpapasabog Sa Roxas Boulevard, Naaresto Na

4

MANILA – Hawak na ngayon ng National Capital Region Police Office ang isa pang suspek sa tangkang pagpapasabog ng bomba malapit sa US embassy sa Maynila.Ito ang kinumpirma mismo ni NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde.Ayon kay Albayalde, naaresto ang suspek malapit lamang sa Metro Manila.Pero sa kabila nito, tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye si Albayalde dahil nakatakda nila itong ipresinta bukas sa Kampo Crame sa pangunguna ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.Una rito, naaresto rin noong nakaraang linggo ang dalawa sa limang suspek na nagtangka ring magpasabog ng bomba malapit sa US embassy.

Facebook Comments