Isa patay, 3 sugatan sa ambush ng hinihinalang miyembro ng NPA

North Cotabato – Isang pulis ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa nangyaring landmine-initiated ambush sa Magpet, North Cotabato.

Ayon kay PNP Spokesperson, Senior Superintendent Bernard Banac – isa sa mga driver ng convoy ang namatay sa pag-atake.

Papuntang Barangay Poblacion ang convoy nang mangyari ang pagsabog.


Nagkaroon din ng palitan ng putok ang mga awtoridad at mga rebelde.

Itinuturo ng PNP ang New People’s Army (NPA) na nasa likod ng pagpapasabog na tumama sa two-vehicle convoy ng Cotabato PNP Provincial Mobile Force.

Facebook Comments