Isa Patay, 4 Sugatan sa Salpukan ng Motorsiklo at Kolong-kolong sa Cauayan City, Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang grade 11 student habang sugatan ang apat pang katao sa naganap na salpukan ng isang motorsiklo at tricycle kagabi sa brgy San Pablo, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang namatay na studyante na si Danilo Sales Eder, 17 anyos, residente ng Villa Luna, Cauayan City habang kinilala naman ang kanyang mga kasama at driver ng motorsiklo na si Andrei Jefferson Pamittan, 15 anyos, grade 10 student, residente rin ng brgy Villa Luna, at si Jomar Villanueva, 39 anyos na residente naman ng brgy De Vera, Cauayan City, Isabela.

Kinilala naman ang mga suspek at driver ng kolong-kolong na si Martin Taguiam, 21 anyos, residente ng Brgy Devera, Cauayan City, Isabela at pasahero na si Joseph Asis, 16 anyos, grade 11 student at residente naman ng brgy San Pablo, Cauayan City, Isabela.


Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, magkasalungat na binabaybay nina Pamittan at Taguiam ang Provincial road ng brgy San Pablo nang bigla umanong umagaw sa linya si Pamittan na nagresulta sa kanilang banggaan.

Isinugod sa pagamutan ang katawan ng limang indibidwal subalit binawian din ng buhay si Danilo Eder habang ito ay nilalapatan ng lunas.

Nasa PNP Cauayan City na ang dalawang behikulo para sa kaukulang disposisyon habang Inihahanda naman ng PNP ang kasong kakaharapin ng suspek.

Facebook Comments