Isa patay, 9 sugatan sa sword attack sa Finland

Finland – Patay ang isang babae habang siyam ang sugatan matapos atakehin gamit ang espada sa isang kolehiyo sa Kuopio City.

Isang lalaking estudyante na tinatayang nasa edad 20-pataas na may bitbit na isang ‘sabre-type’ bladed weapon ang umatake.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at binaril ang suspek na nasugatan lamang.


Maliban sa espada, may bitbit na baril din ang suspek.

Nakarekober naman ng petrol bombs sa apartment ng suspek nang salakayin ito ng mga awtoridad.

Hindi malinaw ang motibo ng hindi pinangalanang suspek.

Mariing kinondena ni Finland Prime Minister Antti Rinne ang pag-atake.

Facebook Comments