Isa patay, apat sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Siargao Island

Nasawi ang isang turista at apat ang sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Naked Island, Siargao noong Sabado ng hapon.

Idineklarang dead on arrival sa hospital ang call center manager na si Lee Christian Zamora. Hinihinalang cardiac arrest ang kinamatay nito dahil walang natamo na external injuries.

Sa pagsisiyasat ng General Luna Police Station, namamasyal sa isla ang mga bakasyunista at biglang sumama ang panahon.


Kinilala ang iba pang biktima na sina Suzanne Simagala, Elain Jhane Zamora, Princess Jayme, at tour guide na si Grace Tolibas. Nagtamo sila ng galos sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Pahayag ni Simagala, kumukuha sila ng litrato nang biglang tumama ang kidlat malapit sa kanilang grupo.

Naranasan din ng ilang nakasakay sa bangka ang bagsik ng kidlat habang paalis na sa isla.

 

 

Facebook Comments