Marantao – Isa ang patay habang apat ang sugatan sa ginawang pag-atake ng mga sympathizer ng Maute Terrorist Group sa bayan ng Marantao, tatlong kilometro ang layo mula sa Mindanao State University.
Ito ang kinumpirma ni Col. Romeo Brawner, ang deputy commander ng Joint Task Force Ranao.
Aniya, ang isa sa mga nasawi ay mula sa mga nakalabang symphatizer ng Maute Group habang ang apat na sugatan ay mula sa tropa ng pamahalaan.
Narekober ng militar ang labi ng nasawing kalaban, habang slighlty wounded ang tinamo ng apat na sundalo matapos tamaan ng shrapnel.
Nakarekober rin ang militar ng rocket propelled granade, mga bala ng M60 rifle, sa pinangyarihan ng sagupaan.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pursuit operation ng militar laban sa mga nanggulong supporters ng Maute.
Pasado alas singko ng madaling araw kanina nang atakihin ng mga symphatizer ang detachment ng militar sa Marantao na malapit lamang sa police station.
Sa panggugulo ng mga ito, agad na gumanti ang tropa ng pamahalaan dahilan pagkasawi ng isa sa panig ng mga kalaban.