ISA PATAY APAT SUGATAN, SA KARAMBOLA NG TATLONG MOTOR SA URDANETA CITY

Patay ang isa katao habang kasalukuyang inoobserbahan ang apat na iba pa sa naganap na karambola ng tatlong motorsiklo sa Urdaneta City.
Naganap ang banggaan sa Brgy Nancayasan sa nasabing lungsod pasado alas onse ng Gabi.
Dead on arrival ang driver ng Isa sa mga motor na nakilalang si Vaness Mata habang inoobserbahan ang angkas nito na nakilalang si Helbert Palma at tatlong iba pa na sakay ng ibang motor

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na napunta sa linya ng kasalubong na dalawang motor ang motor na minamaneho ni Mata dahilan ng kanilang karambola.
Isinugod pa sa pagamutan ang mga ito subalit idineklarang Dead on Arrival si Mata habang inoobserbahan ang iba pa.
Nakilala naman ang iba pang sugatan na sina Jhon Mark Ben at Evette Gutierrez habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pa na sakay ng motor na nananatiling unconscious hanggang Ngayon. |ifmnews
Facebook Comments