Dead on arrival sa pagamutan ang isa katao habang kasalukuyang inoobserbahan ang dalawa sa naganap na aksidente sa Dagupan City.
Ang namatay na biktima ay nakilalang si Clemente Carbonnel habang inoobserbahan sa pagamutan sina Mary Ann Escosio at driver ng motor na si Joshua Sabandal.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na naganap ang aksidente pasado alas singko ng madaling araw habang tumatawid sa pedestrians sina Carbonnel at Escosio ng sila ay mabangga ng paparating na motor na minamaneho ni Sabandal.
Bunsod nito ay nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad naman naisugod sa pagamutan subalit idineklarang patay na si Carbonnel. |ifmnews
Facebook Comments