Isa patay, dalawa sugatan ng pagbabarilin ang sinasakyan ng dalawang konsehal mula sa bayan ng South Upi, Maguindanao.
Erwin C.Cabilbigan
Patay ang isang kawani ng ARMM sa naganap na pamamaril kahapon sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao.
Nangyari ang insidente sa Sitio Tenorio, Brgy Awang dakong alas 4:30 ng hapon Mayo 5.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Betchie Yap, 30 taong gulang, kawani ng ARMM Humanitarian Emergency Assistance Respond Team sa ilalim ng tanggapan ng gobernador.
Sa inisyal na imbistigasyon ng DOS PNP Nakaupo sa harap ng sinasakyang Mitsubishi Lancer ang biktima kasama ang kayang ina na si Municipal Councilor Beatrice Yap ng South Upi at isa pang konsehal ng nasabi paring bayan, isang body guard at ang driver ng sila ay pagbabarilin ng umanoy nag-iisang suspect.
Mula umano sa bayan ng South Upi ang nasabing sasakyan at patungo sana dito sa Cotabato City ng maganap pamamaril.
Sugatan sa insidente sina Crispin Beling- driver, Jonathan Layson-body guard na sinasabing nagtamo lamang ng bahagyang sugat mula sa bala ng Cal 45 pistol.
Maswerte namang di tinamaan ng bala sina Councilors Beatrice Yap at Raymundo Kinlat.
Lumalabas din sa imbistigasyon ng kapulisan na dinaanan lamang ng grupo nina councilor Yap ang kanyang anak na si Batchie sa kanilang tahanan sa bahagi ng Tenorio at patungo na sana dito sa lungsod ng maganap ang pamamaril.
Mabilis umanong tumakas ang nag-iisang salarin sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Upi.
Sa isinagawang paghahabol ng mga police sinasabing natagpuan nila ang umanoy motorsiklong sinakyan ng suspect.
Agad namang kinundina ni Governor Mujiv Hataman ang naganap na pamamaslang kasabay ng kanyang panawagan sa LGU at sa mga otoridad na gumawa ng kaukulang hakbang para maaresto ang responsable sa pamamaslang.
File Photo: Courtesy of DOS PNP
Isa Patay, Dalawa sugatan ng pagbabarilim ang sinasakyan ng dalawang konsehal mula sa bayan ng South Upi, Maguindanao.
Facebook Comments