Isa, patay habang 12 sugatan sa magkasunod na pagsabog sa Kandahar, Afghanistan

Afghanistan – Isa ang patay habang 12 iba pa ang sugatan sa nangyaring magkasunod na pagsabog sa Kandahar, Afghanistan.

Ayon kay Provincial Government Spokesperson Samim Khpalwak – nangyari ang mga pagsabog sa bahagi ng Chaok-E-Madad.

Kabilang naman sa mga naitalang sugatan ang tatlong police officers at siyam na mga sibilyan.


Sa ngayon, wala pang umaako na responsible sa nangyaring pagsabog.
DZXL558

Facebook Comments