Isa patay isa kritikal sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Pres Roxas North Cotabato

Isa ang patay isa ang kritikal ng masangkot sa road accident ng magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa bayan ng Pres. Roxas sa lalawigan ng North Cotabato kagabi.
Dalawang motorsiklo ang nagkarambola sa daan ng Barangay Poblacion pasado alas diyes kagabi kung saan sangkot dito ay isang Honda XRM motorcycle na may plakang MA 33164 at isa pang motorsiklo. Kinilala ang binawian ng buhay na si Rowelo Villar Mudoc, 34 anyos residente ng Brgy. Batobato Pres Roxas. Kritikal naman ang kalagayan ng isa pang biktima na kasalukuyang ginagamot sa pagamutan.
Sa pahayag ni Police Chief Inspector Andres Sumugat , hepe ng Pres.Roxas Pnp kasalukuyan pang isinasagawa ang imbestigasyon para sa karagdagang detalye.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments