Isa patay, isa nakatakas sa ikinasang drug buy bust sa Zamboanga del Norte

434

Patay ang isang cafguhabang nakatakas ang kasamahan nito sa nangyaring shootout sa ikinasanganti-illegal drug operation sa lungsod ng Siocon sa lalawigan ng Zamboanga delNorte.
Sa imbestigasyon ng mgaotoridad, ang napatay ay nakilalang si Arseno Villena, 35, miembro ng SioconInternal Security and Defense Auxiliary.
Ayon sa Siocon PNP,napatay si Villena nang ito at ang kanyang kasamahan na si Sakib Haja Alibbonang bumunot ng baril at nagpaputok nang matunugan nito na pulis ang kanilang katransaksyon.
Gumanti naman ng putokang mga otoridad dahilan sa pagkamatay ni Villena habang nakatakas naman siAlibbon.
Na-recover mula sa crimescene ang isang caliber .45 pistol with 4 live ammunitions,  6 na large size ng heat sealed plastic sachetng suspected shabu, P500 marked money at motorsiklo.
Nakatakda ng sampahan ngkaukulang kaso ang nakatakas na suspek.  -30- (Mardy D. Libres)

Facebook Comments

From Advertisers