Isa patay, isa sugatan matapos bumangga ang minamanehong motor sa isang pampasaherong jeep sa Pasig City

Dead-on-the-spot ang isang babaeng angkas habang sugatan naman ang lalaking rider matapos na bumangga sa isang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Marcos Highway, Barangay Santolan, Pasig City.

Pasado alas-kwatro ng madaling araw nang maganap ang aksidente.

Ayon sa may-ari ng jeep, kwento sa kaniya ng 38-anyos na driver ng jeep na biyaheng Marikina-Pasig na mag-uuturn sana ito nang biglang sumulpot ang motorsiklo at makabanggan ito.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon pa ang ang mga sakay ng motorsiklo.

Naisugod na sa ospital ang lalaking rider habang inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nasawing angkas nito.

Samantala, nasa kustodiya na ng Pasig City Police ang driver ng jeep na tumangging magbigay ng pahayag.

Facebook Comments